Plantang Ferro-Nickel Itatayo sa Zambales.

Let us hear the opinions of Zambaleños regarding this matter.

Alam ba ninyo na lahat ng bayan ng Zambales kasama ang lungsod ng Olongapo maliban sa bayan ng San Antonio ay may mga aplikasyon ng pagmimina ng nickel?
Alam din ninyo na ang operasyon ng apat na nickel mining companies sa SC Zambales ay kanselado noon pang Pebrero 2017 dahil ang kanilang minina ay watershed ng bayan na nagpapatubig sa 2K ektaryang sakahan na nagsusupply ng 16,000 metric tons na palay taon-taon.
Kung itatayo ang perwisiyong planta sa bayan ng Candelaria, kailangan nito ang raw materials at ang pinakamalapit na source ay ang mga bundok ng Zambales.
Halos kalahati ng lupain ng Zambales ay may aplikasyon ng pagmimina.
Ngayon pa lang ay winasak na ng 4 na kumpaniya ng nickel ang Sta Cruz Zambales, kaya malamang na ang itatayong planta at ang pagmimina ng nickel sa buong probinsiya ang tuluyan ng wawasak sa kapaligiran ng buong probinsiya.
Katapusan na ng mga batayang hanap buhay - pagsasaka at pangingisda - sa buong Zambales.
Mga kababayan, papayagan ba natin na tuluyan ng mawasak ang ating lalawigan?


Kaya habang may oras pa kumilos na.. Magkaisa.

Credit to Mr.Benito E. Molino

0 comments: